Mga isda sa mga baklad sa Taal Lake ipinaaani na ng BFAR

PINAYUHAN ngayon Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang mga mangingisda sa Taal Lake na anihin na hanggat maaga ang malalaking bangus na nasa mga palaisdaan at huwag ng hintayin ang tag-ulan upang maiwasan ang fish kill

Ayon kay BFAR Dir. Atty. Asis Perez, ayaw niyang maulit muli ang nangyaring fishkill kung saan tone-toneladang isda sa nasabing lawa ang naapektuhan bunga ng pagbaba ng dissolve oxygene dahil sa pagpapalit ng panahon mula sa tagtuyot patungo sa tag-ulan

Sinabi pa ng director, kung hindi aniya susunod ang mga mangingisda sa kanilang paalala at mangyari muli ang fish-kill posibleng alisan na nila ang mga ito ng permit para hindi na muling makapagtayo ng palaisdaan o baklad sa naturang lawa.

Sa ngayon, nananatili sa 6.9 hanggang 9 parts per million ang dissolve oxygene sa lawa.

Samantala, apat na makina na magsusuplay ng hangin sa tubig sa Taal Lake ang ipinadala ng BFAR bilang paghahanda sakaling bumaba ang dissolve oxygen doon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply