Mga isda sa Scarborough nilalason– Gov. Ebdane

NILALASON ng mga Chinese ang mga isda at iba pang yamang-dagat sa Scarborough Shoal, ito ang ipinahayag ni Zambales Gov. Hermogenes Ebdane.

Anang gobernador gumagamit ng “sodium cyanide” ang mga Chinese sa kanilang pangingisda.

Sinasabotahe rin aniya umano ng mga mangingisdang Chinese ang mga coral reef sa Scarborough Shoal.

Iginiit din ni Ebdane, dating Defense secretary, na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc simula pa noong panahon ng Kastila. Aniya, ito ay nasa lumang mapa ng bansa na dapat ilabas at patunayan ng National Historical Institute.

Sinabi ng opisyal na ang mga mangingisdang Pinoy ay gumagamit ng lambat sa pangingisda at iginagalang ang likas na yamang-dagat, ngunit ang mga Chinese aniya ay walang pakundangan itong nilalapastangan.

Ang Scarborough Shoal ayon sa opisyal ay mayaman sa high class na mga isda tulad ng lapu-lapu, talakitok, bukod pa sa mga taklobo, corals, shells at iba pa.

Sa kabila nito, walang plano ang Pilipinas na itaboy o hulihin ang mga Chinese vessel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply