Mga isdang apektado ng fishkill sa Laguna de Bay ipinalilibing na

IPINALILIBING na ng City Agriculture Office ng Calamba, Laguna sa mga operator ng mga fishcage, ang mga naiahong isda na apektado ng fishkill sa Laguna de Bay.

Tinatayang nasa 10 tonelada ng namatay na tilapia ang naitala sa Barangay Masli at Sucol sa lungsod ng Calamba pa lamang,

Nabatid na 20 fish pen operators na rin ang apektado ng fishkill kung saan halos 60 kilo ng tilapia umano ang nawawala sa kanila araw-araw.

Sa ngayon hinihintay pa ang resulta ng water sampling test na isinagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Laguna Lake Development Authority (LLDA), na ilalabas sa susunod na linggo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply