Mga karinderya sa U belt binalaan

BINALAAN ng Manila City health department ang mga may-ari ng karinderya sa paligid ng university belt na ipasasara ang kanilang mga negosyo kung wala itong mga kaukulang dokumento.

Binigyan ng mga taga city health department  ang mga may-ari ng karinderia ng isang linggo upang isaayos ang kanilang negosyo.

Ginawa ng mga opisyal ang ultimatum matapos hindi pumasa sa health inspection  ang mga pasilidad ng mga karinderia. Isinagawa ang pag-iinspeksyon ng Manila City Health Department ng Manila City Hall  kaugnay na rin sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa darating na Hunyo 4, upang matiyak ang seguridad, kaligtasan at kalusugan ng mga estudyante.

Ayon sa City health department, ilan sa kanilang naispekyon ay bagsak sa sanitasyon at walang business permit na mag-operate ng karinderia.

Maging ang ilang mga personnel ng mga karinderia ay wala ring mga kaukulang heatlh  certificate at sanitation permit.

Dapat din umanong 200 metro ang layo ng mga tindahan na nagbebenta ng alak mula sa mga eskuwelahan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply