Mga lolo’t lola sasanayin sa Facebook

BUKOD sa pagte-text sa cell phone ay isasabak na rin sa Internet at Facebook ang mga lolo’t lola para magamit sa pagpapadala ng kanilang mensahe.

Layunin ng Local Government Unit (LGU) sa siyudad  ng General Santos na maturuan ang mga miyembro ng Senior Citizen sa paggamit ng internet at facebook upang kanilang magamit sa komunikasyon.

Ayon kay Vicky Magante, Social Welfare Development Officer, limang bagong Computer Unit ang ibinigay ng LGU sa lungsod sa Senior Citizens Affairs Office upang magamit at mapag-aralan ang internet kasama na rito ang mga networking site gaya ng facebook.

Bukod sa mga bagong unit ng mga computer, ipinagkaloob din ang libreng tatlong linya ng internet upang makatulong sa mga senior citizen sa kanilang komunikasyon lalong-lalo na ang mga miyembro na may kamag-anak sa ibang bansa.

Noong nakaraang araw, umabot sa isang daang senior citizens ang nakapagtapos na sa kanilang training  upang kanilang magamit na ang kaalaman sa computer at mabigyan din sila ng pagkakaroon na mag-reseach gamit ang mga internet.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply