Mga magsasamantala sa presyo ng school supplies mananagot sa DTI

BINALAAN ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) na mananagot sa kanila ang mga negosyanteng magsasamantala o mag-o-overprice ng kanilang mga panindang school supplies.

Ayon kay Trade Undersecretary Zenaida Maglaya, bago ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 4 ay mag-iikot sila sa mga pamilihan at aalamin kung sinusunod ng mga negosyante ang itinakda nilang suggested retail price (SRP).

Ani Maglaya, aalamin nila ang aktuwal na bentahan ng school supplies gaya ng notebook, ballpen, papel, lapis at iba pa.

Nanawagan din ang DTI sa mga mamimili na isumbong sa kanila ang mga mapagsamantalang negosyante upang agad na maaksyunan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply