Mga militante lumusob sa Camp Aguinaldo

NILUSOB ng mga miyembro ng human rights group na Karapatan ang Camp Aguinaldo sa Quezon City kaninang umaga upang kondenahin ang umano’y militarisasyon sa Quezon province.

Ayon sa grupo, may walong batalyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na nag-iikot sa mga bayan sa nasabing lalawigan.

Anang grupo, marami nang paglabag na nagawa ang mga nakatalagang sundalo roon.

Bago lisanin ng grupo ang kampo ay bahagya pang nagkagulo nang pagbabatuhin nila ng pulang pintura ang Gate 2.

Binomba naman ng tubig ng mga sundalo ang mga militante.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply