Mga militante nakiisa sa World Press Freedom Day

NAKIISA ang iba’t ibang militanteng grupo sa paggunita ng World Press Freedom Day sa makasaysayang Mendiola sa Lungsod, Maynila kaninang umaga.

Sa pangunguna ng College Editors Guild of the Philippines o CEGP ay kinondena nila ang pamamaslang sa mga mamahayag .

Gayundin ang patuloy na paglabag sa karapatang pantao ng administrasyong Aquino at ang kabiguan ng pamahalaan na malutas ang pagpaslang sa hanay ng media lalo na sa mga kanayunan.

Ayon kay Pauline Gadget Estrella, national deputy secretary general ng CEGP, nagdala rin ng notepad ang mga militanteng kabataan upang ipaalam kay Pangulong Aquino ang mga mahahalagang bagay na tila nakakalimutang gawin ng Punong Ehekutibo .

Kasabay nito, tinuligsa rin ng CEGP ang Commission on Higher Education (Ched) dahil sa kabiguang harangin ang pagtataas ng matrikula sa mga pribadong kolehiyo at unibersidad.

Inilantad rin ng grupo ang walang habas na pagbuwag ng administrasyon sa mga shool paper sa  mga unibersidad at kolehiyo at pagbuwag sa mga organisasyon ng mga mag-aaral gaya ng student council organization.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply