Mga motorista pinaiiwas sa venue ng concert ni Lady Gaga

PINAYUHAN ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development (MMDA) ang lahat ng motorista na iwasan ang venue ng concert ng kontrobersyal na si Lady Gaga na nakatakda bukas ng alas-8:00 ng gabi.

Ito ang unang araw sa two-day concert ni Lady Gaga na gaganapin sa Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City, na inaasahang magdudulot ng  matinding trapiko.

Ayon sa MMDA, pinapayuhan ang lahat ng motorista na simula bukas ng hapon ay mas mabuting gumamit muna ng mga alternatibong ruta upang hindi maabala sa paglalakbay.

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa pamunuan ng MOA upang mapagaan ang traffic lalo’t inaasahang bubuhos ang fans sa sold-out “Born This Way Ball” concert ni Lady Gaga.

Kagabi ay dumating sa bansa ang kontrobersyal na pop singer sa kabila ng kaliwa’t kanang protesta ng ilang religious groups dahil sa sinasabing pagiging anti-Christ nito.

Kaagad dumiretso si Lady Gaga o Stefani Joanne Angelina Germanotta sa isang hotel sa Makati na pansamantalang tutuluyan.

Una rito, tiniyak ng producer ng Lady Gaga concert na si Renen de Guia na hindi matatapakan ng pop singer ang moralidad lalo na ng mga kabataan sa Pilipinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply