Mga pakawalang tauhan ng peryante, dapat tugisin!

IBANG klase, mga pare ko, itong peryahan na front ng iligal na pasugalan na nakalatag  sa Rosario, Cavite.

Walang sinasanto ang mga operator rito lalo na kapag binangga mo ang kanilang iligal na negosyong peryahan sa lalawigan.

Handang pumatay at manggulpi ng kahit sino ang operator ng peryahan na kinilala lang sa alyas Egay na babangga sa kanyang iligal na negosyo sa Rosario. Mantakin ninyo, muntik nang todasin ang photographer ng People’s Journal  na si Edong Reyes nang kuhanan niya ng litrato ang nakahambalang na peryahan  sa kalsada ng Salinas, Rosario,  Cavite.

Laking gulat ni Edong nang pagkakuha niya ng litrato sa peryahan ay kaagad siyang pinalibutan ng mga tauhan ni alyas Egay na ang isa ay nakilalang si Litong Saksak.

Inagaw kaagad ni Litong Saksak ang digital camera ni Edong tsaka mabilis na nagtatakbo pero nung habulin ni Edong ang umagaw ng camera ay bigla na lang daw itong nawala.

Kaya nagpasya na lang si Edong na mag-report  sa pulisya. Ang masakit nito, naisoli nga ang camera ni Edong pero ‘yung memory card  ng camera ay wala na.

Ano ba ang ginagawa ninyo, Rosario chief of police Supt. Joseph Javier.

Ayoko mang isipin na ‘tongpats’ sa peryahan ni  Egay si Supt. Javier pero parang ganun na nga rin ang lumalabas. E, magkano ba?

He..,he..,he..,he..,he.

GARAPALANG TONG COLLECTION

Sa Nueva Ecija pa rin, sobra talaga ang kapal ng pagmumuks nitong si alyas Labo dahil kahit ilang beses na natin siyang binanatan ay wala pa rin silang pagbabago.

Maging ang amo niyang si Provincial Support Group (PPSG) chief Supt. Villanueva ay patuloy ng pangongolekta ng lingguhang I.N.T.

Anomang mga reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 0926671-9269 oi- email juandesabog @yahoo.com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply