Mga pekeng certified seeds ibinabala ng DA

NAGBABALA ngayon ang pamunuan ng Department of Agriculture (DA) kaugnay sa paglaganap ng pekeng certified seeds na ibinebenta sa magsasaka kapag nalalapit na ang pagtatanim ng palay.

Ang babala ay ipinarating ng Municipal Agriculture ng San Juan, Ilocos Sur makaraang makatanggap ng ulat na nag-iikot ang mga mapagsamantalang indibiduwal na nagbibenta ng pekeng certified seeds lalo na sa panahon ng pagtatanim ng palay.

Ayon kay municipal agriculture officer ng San Juan, Ilocos Sur na si Mr. Avelino Andrada, nagpupunta sa mga barangay ang mga nagbebenta at inaalok nila ang pekeng certified seeds sa mas mababang presyo sa mga magsasaka.

Ayon pa kay Andrada, maliban sa mga certified seeds, nagbebenta rin ng pekeng pataba ang mga hinihinalang sindikato.

Payo ni Andrada sa mga magsasaka na magtungo lamang sa mga agriculture office upang malaman kung saan at kanino puwedeng bumili ng mga genuine certified seeds.

Sinabi ni Andrada na sa kasalukuyan, ang 40 kilong  certified seeds ay mabibili sa halagang P1,200.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply