Mga pro-Tulfo, pro-Santiago, dolyar ni Corona atbp.

TUNGHAYAN naman po natin ang mga kuro-kuro ng ating mga mambabasa ukol sa mga nagaganap sa ating kapaligiran.

Heto po sila.

ANTI-TULFO

Lumaki ang away nina Claudine, Raymart  Santiago at Broadcaster Ramon Tulfo. Una sa Lahat, si Sir Mon Tulfo ang nag-umpisa ng lahat. Ang pagkuha niya ng litrato kay Claudine na kinokompronta ang isang empleyada ng Cebu Pacific sa NAIA. Oo at siya’y isang  Batikang Brodcaster at Kolumnista ay gagawin n’ya ang lahat.

Kung may karapatan si Mon Tulfo na litratuhan si Claudine sa kasagsagan ng kanyang galit ay dapat irespeto rin ni Mon Tulfo ang isang babaeng nagagalit sa pagkawala ng kanilang bagahe na roon pa naman  nakalagay ang mga gamot ng kanyang mga anak na may takdang oras na dapat gamitin.

Komo Batikang Brodcaster at Kolumnista ay gagawin niya lahat at basta kumukuha ng litrato ng personal na bagay. Dapat may limitasyon. Ang nangyari kasi nangungutya pa na parang tinatawanan pa niya ang isang babaeng nagagalit. Ang pagkuha ni Mon Tulfo ng litrato kay Claudine na nagagalit ay isang insultong personal. +63920823….

ANTI-SANTIAGO, PRO-TULFO

Para po kina Ms. Claudine Barretto at Raymart Santiago, magpakatotoo kayo. Hindi yung kapag nasa harap kayo ng kamera, akala ninyo kung sino kayong mababait. Pero kapag nasa likod na, tsaka naglalabasan ang mga sungay ninyo!!!

Be role models to us!!! Artista pa naman kayo!!!

Buti pa ang aso may breeding, kayong dalawang mag-asawa wala. Kawawa kayong nilalang.

Para naman po kay Mr. Tulfo, para sa akin, bilang isang indibidwal sa lipunan, wala kayong ginawang kamalian. Bagkus ang ginawa ninyong pag-video eh isang paraan upang malaman ng taumbayan ang katotohanan. Dadalicious ng Manila. +63946925….

SABI NG BARAHA

Sabi ng baraha, mananalo si Ramon Tulfo laban sa lahat ng nanakit sa kanya. Imbes na umawat si Raymart sa asawa dahil sa arogante, kinunsinti pa. ‘Yan ang sabi ng baraha. +63946128….

NAAWA SA STEWARDESS

Sinabihan ni Claudine na “punyeta, mga wala talaga kayong silbi dito, hindi niyo kami in-inform regarding sa bagahe namin!” Ayon sa isang grupo na nandoon mismo sa airport at nakasaksi sa paninigaw at panlalait sa ground stewardess ni Claudine Barretto. Pwede niya namang pagalitan pero hindi yung pati pagkatao noong tao ay laitin at maliitin pa. +63908265….

SENIOR CITIZEN AT SI TULFO

Gud am po. Ako po ay panig kay Mr. Mon Tulfo. Isa na siyang senior citizen. Kami po ay natulungan ng Tulfo brothers sa aming naging kaso. Sa nakita ko sa tv, magaling umarte at sinungaling ang mag-asawang Santiago.

‘Di ko man po kaano-ano si Kuya Mon, masakit sa loob ko ang nakita ko sa ginawa nila kay Kuya Mon. Ang dami nila, parang isdang gustong paghiwa-hiwalayin ang katawan. +63927842….

GUARDS NASAAN?

Bakit pinabayaan si Sir Ramon? Asan po ba ang mga gwardya niya? +63946889…

KOTONG SA BARANGAY

Dito sa Brgy. 310, Sta. Cruz, Manila under chairwoman Thelma Lim, talamak ang kotong sa mga driver ng jip at pedicab. Malakas ang loob ng mga tanod kasi tauhan sila ni Kagawad Gacula.

Pag may nagtatanong kung para saan yung kinukuha nila, sisigawan ka lalo  na kung magreklamo ka sa Brgy 310. Mayor Lim, mukhang nagiging abusado ang mga barangay official dito at pati ikaw ay sinisira nila. +63906102….

PAGING BIR CHIEF HENARES

Sir, gud morning. Panawagan ko po kay Sec. Henarez ng bureau of Internal Revenue. Dito po sa umc, La Salle Dasmariñas City ay hindi nag-i-issue ng resibo at masakit pa, ‘di nila ino-honor ang mga senior citizen. Five hundred per check up. Salamat po. +63919964….

WALANG MAGAWA SA DOST-ICTO

Pakikalampag  ulit si Sec. Florencio Abad sa madaliang approval ng EO 366 ng opis namin ang Telecommunications Office  sa ilalim ng DOST – ICTO.

Inip na kami na walang ginagawa sa opis sa loob ng anim na taon. Nakokonsensiya at nakahihiya na sa mga taxpayer na nagpapasahod sa amin.

Thanks ulit and more power, Sir. Concerned Employees ng TELOF Metro Manila. +63943605….

IBANG CORONA

Magandang hapon po, sir. Komento lang po sa dollar account ni Chief Justice Renato Corona. Baka po biglang may lumitaw na ibang Renato Corona at sasabihing siya ang tunay na Renato Corona na may dollar account na ganoong kalaki at hindi si CJ Corona. Mabuhay po kayo. Marami pong salamat. Mr. Ron Vida po ng Tagaytay City +63916436….

SHARING SYSTEM

Isang magandang araw po sa kanila. Ako si Lito Gallego na taga-Gagalangin, Tondo, Manila. Kung sino man po ang nakakikilala kina Mr. Obet Dazo, 52 at Rose Juanico Dazo, 49, na mga taga-Davao, na ang kanilang anak na si Roy Dazo, 24, ay kasalukuyang nasa Gagalangin, Tondo. Ang kanilang gamit ay nawala sa pagta-try na makasali sa programa ni Willie.

Paki-publish na lamang ang aking numero para po kung sakaling may nakakikilala sa kanyang mga magulang ay magkaroon sila ng contact dahil hindi na po si makababalik sa Quezon City. Wala namang nangyari sa pagpila nila sa show ni Willie at nawalan pa sila ng mga gamit.

Maraming salamat sa inyong tulong. +63915318….

oOo

Anomang reklamo o puna ay itawag o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply