MGA SILAT SA SAHIG (Ikatatlong labas)

AT doon ay napasigaw ako.

“Bastos walang modo!”

Biglang tayo si Yosak at todo bigay dispensa.

Lumabas ako sa kusina ng kubo habang pasigaw na nagsasalita ng masama patungkol kay pareng Yosak. Noon ay kadarating lang ni inang galing sa kabilang baryo.

“E ano ba Estela at ika’y nagtutungayaw d’yan?” agad nitong tanong. “ Ito pong si Yosak nambabastos.”

“Hindi po Aling Ebeng,” kontra ni Yosak na noon ay nakasunod na rin pala sa akin.

“E totoo ba ang sabi ni Estela ha Yosak?” tanong at usisa ng ilan kong kaanak. “Lasing po ako nang ako ay natumba, at sa aking pagmulat e namalayan ko na lang na nagsisigaw na si Estela.” tuso nitong depensa sa sarili.

“Aba e gan’on naman pala, ikaw naman kasi Yosak ‘wag ka nang iinom pa at hindi mo na yata kaya.” “Oo nga naman pre tingnan mo napapahandusay ka na hindi mo pa namamalayan.” pagpayo ng ilan. Mahusay magliko ng totoo si Yosak at ang nangyari ay naabsuwelto siya sa kalokohang ginawa. Nainsulto ako sa tila hindi pagkampi sa akin ng mga kaanak. Hindi ako nakatulog ng gabing iyo. Napagtanto kong ako’y hindi makatulog hindi dahil sa inis bagkus ay sa kakaibang nararamdaman sa aking katawan.

Naiisip ko, may iba palang sarap ang hagod ng kamay ng ibang lalaki. Naroon ‘yung maisip ko ang dagling nawa ay bumalik ang aking asawa dahil sa pangangasim na aking nararamdaman dulot ng pagkasabik sa seks. At sa ginawa sa akin ni Yosak…sana ay ibinukaka ko na nang tuluyan ang mga hita at …naku ano ba ang iniisip kong ito?

At sa paghaplos ng aking kamay sa aking nagtutubig-tubig na biyak ay nasabi na lamang sa sarili. “Ah … iingatan kita para sa tunay na nagmamay-ari sa iyo, babatahin ko ang libog hanggang makabalik si Ador.”

Sadyang kayhirap at isang pagsubok ang mawalay sa asawa. Ang pinakamahirap dito ay ang pagpigil sa tawag ng laman. Ewan ko kung bakit ganito ako at hirap pigilin ang sarili kung umatake ang aking libog. Gano’n pa man ay nalalampasan ko ito sa pagsasariling sikap upang mapaligaya ang sarili.

Nagulat ako isang araw nang ako ay makatanggap ng text …ANO MRENG STELA MSRAP B ANG LMAS Q S KEPS MO? … Ang bastos na si Yosak ang nagtext. Sinagot ko ito bilang tugon ng…BAS2S WG K NG PKIKITA RI2 PABUBUG2 KTA … Sumagot siya ng …IHNDA MO ANG KEPS MO PNTA Q JN. IPA2SOK  Q MNOY Q JAN… Agad kong ipinabasa sa aking mga kaanak ang text ni pareng Yosak.

Nagalit at nagbuo ng plano ang aming mga kaanak sa pagdating ni Yosak. Plano nilang dalain ang kumag para magtanda.

“Pagdating dito bugbog sarado ang malibog na ‘yon sa akin” “ Aba sa akin naman e, mata lang niya ang walang latay.” Kanya-kanyang labas ng galit ang mga kaanak ko.

Nang gabing sumunod ay nagkainipan na ang ilan sa paghintay kay Yorak. At dahil gabi na ay wala pa rin ang lokong Yosak. Ilan-ilang kaanak na lamang ang nasa labas at aming naisipan ang maglaro na lamang ng baraha sa kubo ng aking si Ador. Pumuwesto kami ng upo sa sahig ng kubo.

Dahil sa may ilang paslit ang naroon pa at naglalaro minabuti namin ang pumuwesto sa malalaking sirang silat ng kawayang sahig ng kubo. Ginawa namin ang ganoon dahil baka malusot ang mga paa ng batang naglalaro sa loob din ng kubo. Ako ang nakatokang magbigay ng mga baraha sa laro at bago iyon ay nasabi ko. “ Dito na lang ako tatapat sa malaking silat. Baka dito pa mapatapak ang mga bata.” ika ko. At dahil nakasaya ako at ito ay nakaugalian kong gawi bilang preskong suutin.  Iniladlad ko pabukadkad ang saya sa sahig at iniupo ang puwit sa kabuuang butas ng sahig.

Naglalaro na kami at natandaan kong biniro pa ako ni pinsang Tureng…

“Estela hala ka, baka kagatin ng daga ang wepay mo diyan sa silong ng kubo.”

“Hindi magagawa ng daga iyon, hindi kasi ako naghugas,” tawanan kaming lahat.

Pawang kasiyahan na nga ang nanatili sa amin sa mga larong iyon ng baraha. Nagluto pa nga noon si inang ng alpahol para maminindal ng kaanak at kapitbahay. Tuloy ang laro namin ng baraha habang nasa sahig at ‘di ko inakala na may kakaibang pangyayari palang magaganap sa akin ng gabing iyon. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply