MGA SILAT SA SAHIG (Pambungad)

OOOHHHHH narito ka na naman pagnanasa.

Nakararamdam ako ng pagbabasa dulot ng alaala sa napakatamis kong kasalanan.

Matapos kong makabawi sa emosyong seksuwal na nararamdaman ay hayaan ‘nyo munang ako ay magpakilala at ako ay inyong tawagin sa pangalang Estela ng Morong Rizal.

Kahit na kami ay nasa probinsiya, hindi na rin masasabing kami ay huli sa kabihasnan.

Karamihan na nga ay kongkreto ang kabahayan dito at mangilan-ngilan na lamang ang mga bahay kubo.

Isa na rin kami sa nagmamay-ari ng kongkretong bahay dito ngayon at mayroon din kaming maliit na kubo sa tabi nito. Ipinagigiba na ito ng aking asawa ngunit kinontra ko dahil sa lihim na kadahilanan.

Ang lihim na kadahilanang ito ay ang kaugnayan ng isang tao sa lihim kong karanasan na siyang nagpalasap at nagbigay aral sa akin kung ano ang tunay na kaluwalhatian ukol sa kakaibang paraan ng pagniniig.

Siya si Yosak ang aming kumpare at matalik na kaibigan ng aking asawang si Ador na ngayon ay nasa abroad.

Ang katawagang Yosak ay hindi lehitimong pangalan ni pareng Edward, ang alyas niyang ito ay binaligtad na basa sa ngalan ng prutas na “kasoy.”

Sabi nila, kapag naka-side view ito komo mahaba ang baba ay kawangis raw ng buto ng kasoy.

Pero kung sa akin, me itsura din naman ang lekat.

Hindi naman sa sinasabi ko ito dahil natikman ko sa kanya ang luwalhati ng seks kaya tila siya ay aking ipinagtatanggol.

Si Yosak ay taga-kabilang baryo na kilalang pilyo at may kalokohang tao.

Wala yata sa isip ang pag-aasawa.

Dahil maabilidad, siya ang tumulong upang makapangibang bansa ang aking asawa.

Nangyari noon ang panahong kami at mga kamag-anakan ay magalit sa kanya dahil nagpahiwatig ito ng interes sa akin sa may kagaspangang paraan. Ito ay labis kong ikinagalit.

Nakakailang buwan pa lang noon si Ador sa Qatar bilang supervisor ng mga janitor ay nadadalas ang pasyal ni Yosak sa aming lugar at ang gawa, kung ‘di nakikipagbidahan ay nakikipag-inuman at parang kumukuha ng simpatiya sa aming mga kapitbahay at kamag-anakan. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply