Mga solon dismayado sa resulta ng American Idol

KAHIT dismayado umulan ng papuri sa Kamara de Representantes para sa Pinay na si Jessica Sanchez kahit na 1st runner up lamang ito sa katatapos na American Idol season 11.

Karamihan sa mga mambabatas ay umaasa na si Sanchez ang mananalo dahil sa tunay na magaling ito at karapat-dapat na itinanghal na kampeon.

Sinabi ni Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez na “mas magaling na mang-aawit si Jessica, subalit wala sa kanya ang home court advantage.”

Malaki naman ang paniwala ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy na dahil sa husay na ipinakita ni Sanchez ay isang magandang career ang naghihintay para sa kanya.

Si Cagayan Rep. Jack Enrile ay nagsabing “Very very disappointed but she (Jessica) is still my idol.”

Ayon naman San Juan Rep. JV Ejercito, nakita sa resulta ng patimpalak na hirap pa rin ang isang Asian-Latina tulad ni Jessica na manalo sa American Idol o kahalintulad na TV show na ang karaniwang ipinagwawagi ay ang mismong kalahi nila.

Kasabay nito, isang resolusyon ang inihain sa Kamara ni Bataan Rep. Herminia Roman na nagbibiga- pugay sa naging performance ni Sanchez.

Nakapaloob sa House Resolution 2425 na iniakda ni Roman na karapat-dapat lamang bigyang parangal ang aniya’y walang katumbas na kahusayan sa pagkanta ng Filipino-Mexican singer na nagbigay-daan na mapabilang siya sa top 2 ng American Idol.

Ayon kay Roman, pinahanga ni Jessica ang mga hurado at manunuod sa buong mundo dahil sa kanyang “powerful and soulful” na boses.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply