Mid-year bonus ng Caloocan City Hall employees tiniyak ni Recom

TINIYAK ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri na makatatanggap ng mid-year bonus ang lahat ng regular employees ng city hall bilang pagkilala sa kanilang sipag at pagbibigay ng serbisyo publiko.

Kasabay nito, inatasan na rin ni Echiverri ang lahat ng tanggapan na may kinalaman sa paghahanda ng mga dokumento sa pagbibigay ng bonus na agad isaayos ang mga kinakailangan papeles upang agad maibigay ang mid-year bonus ng mga empleyado.

Ayon kay Echiverri, ang pagbibigay ng mid-year bonus sa mga empleyado ay bilang pagkilala sa mga masisipag na empleyado ng city hall na tumutulong upang patuloy na tumaas ang ekonomiya ng lungsod.

Inaasahan na bago magsimula ang pasukan ng mga estudyante ay agad na maibibigay ang mid-year bonus upang may magamit ang mga magulang na empleyado ng city hall sa pagbili ng gamit sa eskuwelahan ng kanilang mga nag-aaral na anak.

Sinabi pa ni Echiverri na magpapatuloy ang pagkilala ng kanyang administrasyon sa masisipag na empleyado ng city hall na walang sawang nagbibigay ng kanilang lahat na makakaya upang makapagsilbi ng maayos sa kanilang mga kababayan.

“In line with our continuing commitment to promote the welfare of our beloved co-public servants, I am pleased to inform you on the release of the 2012 mid-year bonus of all regular employees of the City Government of Caloocan”, nakasaad pa sa ipinalabas na memorandum ni Echiverri.

Samantala, nagpasalamat naman ang lahat ng city hall employees kay Echiverri dahil sa inisyatibo na ito ng alkalde at ayon pa kanila, malaking tulong para sa kanilang gastusin sa nalalapit na pasukan ang pagbibigay ng kanilang mid-year bonus.

Matatandaan na bago natapos ang taong 2011 ay ipinagkaloob sa lahat ng empleyado (regular at job order) ng city hall ang 14th month pay na unang ipinagkaloob ni Echiverri noong 2010 na kauna-unahan sa kasaysayan ng Lungsod ng Caloocan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply