Midyear bonus ng gov’t employees makukuha na

MISMONG si Budget and Management Sec. Florencio “Butch” Abad ang nagkumpirma na pwede nang makuha ng government employees ang kanilang midyear bonus na sinimulang ipinamahagi kahapon, Mayo 15.

Ito ay ayon na rin sa Budget Circular 2010-1 na inilabas ni Abad na may kinalaman sa probisyon ng year-end bonuses at cash gifts.

Sa 2012 General Appropriations Act (GAA), umaabot sa P20.6 billion ang inilaan ng pamahalaan para sa nasabing bonuses at incentives.

Kasama rin ang mga opisyal at empleyado ng state universities and colleges (SUCs), government-owned and controlled corporations (GOCCs), government financial institutions (GFIs) at local government units (LGUs) sa nasabing bonus.

Paglilinaw ni Abad, silang mga empleyado lamang na nakapagsilbi na ng apat na buwan mula Enero 1 hanggang Abril ngayong taon ang tatanggap ng midyear bonus.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply