MILF military chief pumanaw na

PUMANAW na si Moro Islamic Liberation Front (MILF) vice chairman for military affairs Aleem Abdul Aziz Mimbantas.

Ito ang kinumpirma ni MILF vice chair for political affairs Ghadzali Jaafar matapos aniyang ma-stroke ang opisyal.

Nagpaabot naman pakikiramay ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ani AFP spokesman Colonel Arnulfo Burgos, tiwala silang hindi maapektuhan sa pagkamatay ng isa sa pinakamataas na opisyal ng MILF ang pakikipag-usap ng gobyerno sa grupo kung saan nauna nang natukoy ang 11 preliminary decision points tungo sa paglagda ng final peace agreement.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply