MILF sa China: Wakasan ang sigalot sa Panatag

MULING umapela ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa People’s Republic of China na maging mahinahon at resolbahin na sa diplomatikong pamamaraan ang sigalot sa Pilipinas hinggil Scarborough Shoal at dalhin na lamang ang usapin sa United Nations-International Tribunal on the Law of the Sea (ITLOS) sa Hamburg, Germany.

Kasabay nito ay nanawagan din si Muhammad Ameen, Chairperson ng MILF Secretariat sa Aquino administration na kontrolin ang radical elements sa kanyang pamahalaan sa paglalabas ng provocative statements laban sa Beijing.

Hindi lamang anila masamang polisiya ito sa halip ay baka mauwi pa sa nakakapagsising desisyon sa bandang huli.

Sa kanilang mensahe na inilathala sa official web site luwaran.com nakasaad na “It is not a wise move to provoke a very powerful enemy where one has no way to defeat in battle.”

“Better prepare for the diplomatic battle in the United Nations and back this up with solid evidences of ownership of the disputed area,” ani Ameen

Kamakailan ay nanawagan din si MILF  Chairman Al Haj Murad Ebrahim sa sa Chinese government sa Beijing na pumayag na resolbahin na ang isyu sa Manila sa pamamagitan ng United Nations.

Nabatid pa na mataas ang tiwala ng liderato ng MILF kay Presidente Benigno Aquino III sa kanyang kakayahan na mareresolba ang hidwaan na mas makakabuti sa interes ng sambayanang Filipino.

Inihayag pa ng MILF na ang Moros sa  Mindanao ay may matagal ng magandang relasyon na umiiral simula pa noong Ming Dynasty.

Katunayan, lumipat at doon na nanirahan si Paduka Batara Sultan ng Sulu at anak sa China kung saan ay doon na rin namatay, subalit ang mga naiwan nitong mga kamag-anak ay nanatiling naroroon hanggang sa kasalukuyan.

Katunayan, ilan sa mga ito ay nagtungo sa Manila mula sa China para hanapin ang kanilang mga kalahi rito sa Pilipinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply