Milyon-milyong kita sana nawala pa at paalam LBJ

NAIS nating magbigay-pugay kay Joselito Balquiedra, Jr., LBJ sa marami, Radiomaster sa atin sa Radyo Patrol noong siya ay vice-president for radio ng ABS-CBN DZMM at tayo’y naroon pa.

Mahigit pito sa may mahigit sampung taon natin sa DZMM ay boss natin si LBJ, kasama na ang ating panimula noong 1992 hanggang italaga niya tayong Chief of Radyo Patrol noong 1998 bago siya nagretiro at naging pre-sidential adviser ni Pangulong Erap.

Marami ngayon sa Philippine media at maging sa pulitika ang naging malaking pangalan dahil sa kanya, aminin man nila o hindi.

Ito Ang Totoo:

Mahigpit na boss pero magandang kaibigan si LBJ.

Napatunayan natin ito ng kahit kapwa wala na kami sa DZMM at manaka-naka’y tumatawag pa rin sa atin si LBJ kapag nagagawi siya sa Subic Freeport, kung hindi sa Subic Bay Yacht Club ay sa Cork Room Bistro, pa-toss-toss sa atin ng scotch whiskey kung hindi red wine.

Nalulungkot tayo na hindi na kailanman makatatanggap pa ng tawag mula sa kanyang mga numero na pawang 0333 ang last 4-digits, mapa-Smart o Globe.

Nawa’y mamayapa ka, LBJ, sa piling ng Maylikha. Mananatili ka sa ala-ala ng marami, habang may Radyo sa balat ng lupa.

***

BIGO ang nagtitinda ng mga souvenir items na si Mang Juanito sa pag-asang kumita ng extra para pang-enroll ng anak niya sa kolehiyo.

Daan-daang libo kung hindi milyon-milyong piso naman ang nawala sa mga negosyante na may mga empleyado na may mga pamilya, asawa’t mga anak na umaasa sa kita ng ama, para panustos sa mga batayang panga-ngailangan, kasama na ang pagkain at pamasahe sa jeepney at tricycle na kita naman ng mga driver at operator, etc.

Ito ang punto at Ito Ang Totoo: hindi lamang sa pamumuta ang kinikita ng matitinong mamamayan kapag may barko ng Amerikano sa Subic.

Maraming serbisyo at supply – mula tubig, krudo, pagkain, minor repairs at iba pa ang kailangan kaya mali ang pananaw na pawang putahan ang negosyo kapag may dumarating na barko ng Amerikano.

Nakaalis na ang submarinong USS Carolina na inulan ng mga batikos at rally ng iilan.

Hindi naman na tumuloy sa Subic ang isa pang submarino, ang USS Tucson, bagay na nagbunga sa pagkawala ng milyong-milyon pisong negosyo at kabuhayan ng marami sa Subic, Olongapo, Bataan at Zambales, kung minsan pati Baguio dahil sa supply ng gulay mula rito.

Maraming pa-pogi ang tumututol batay sa moralidad at usaping nukleyar pero tingnan nga natin ang mga bansang Hapon, Korea, Italia, Espanya at maraming iba pa, may mga base ng Kano sa kanila, kasing-hirap at kasing lampa ba natin sila? Ito Ang Totoo!

***

Ipaabot sa Ito Ang Totoo sa pamamagitan ng text ang inyong mga mensahe sa cp no. 09994001162 o sa Facebook http://www.facebook.com/pages/Ito-Ang-Totoo-Remate/143876209055760.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply