Minimum fare sa dyip balik-P8 simula ngayong araw

BALIK na sa P8 ang minimum na pamasahe sa pampasaherong dyip simula ngayong araw.

Binawi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ibinigay na 50 sentimos na provisional increase dahil bumaba ang presyo ng petrolyo.

Ipinaliwanag ni Atty. Manuel Iway, board member ng LTFRB, na nakasaad sa ipinalabas na kautusan noon na agad babawiiin ang provisional increase sa oras na pumalo sa P44 ang kada litro ng diesel.

Kahapon ng madaling araw (Mayo 14) ay nagpatupad ng bigtime rollback ang mga kompanya ng langis.

Samantala, ibinasura rin ng LTFRB ang hirit na P2 dagdag-pasahe ng ilang transport group dahil patuloy naman ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply