Misis biktima ng e-load syndicate

ISANG 35 anyos na  ginang  ang nabiktima ng nagkakahalaga ng P33,000 e-load  ng isang lalaking hinihinalang miyembro ng sindikato sa Sta.Cruz, Maynila .

Batay sa reklamo ni Mary jane Vilafuerte Lu, residente ng Unit 2-F 1327 Masangkay St.Sta.Cruz, Maynila kay SPO1 James Poso, ng Manila Police District – General Assignment Section (MPD-GAS), naganap umano ang pangyayari sa pagitan ng Mayo 22-24.

Sa pahayag ng biktima, nakaugalian na umano ng kanyang seaman na mister na tumawag sa kanya tuwing magda-dock ang kanilang barko para padalhan niya ito ng electronic load na siya namang ibinebenta ng mister sa kanyang mga kasamahang tripulante.

Sa nasabing petsa, nakatanggap umano ang ginang ng text na ipadala ang nasabing load sa bagong number na lumabas sa kanyang cellphone.

Sa pag-aakalang mister niya ang nag text, nagpadala naman ito ng load na P600.sa pamamagitan ng kanilang suki na si  Elizabeth Macutin at Dimple Cadandoy ng Julia Nichole’s cellphone shop na nasa Masagana Supermarket sa may Kalaw St.Taft Avenue, Maynila.

Tumawag naman ang mister ng ginang at nabanggit ang naipadalang load na umabot sa nasabing halaga. Dito lamang natuklasan ng ginang na maari siyang nabiktima ng scam.

Pinayuhan naman ni Poso ang ginang na beripikahin sa Smart at Globe ang mga card na ipinadala sa kanyang  mister, upang matiyak kung naipadala ito ng celphone shop.

Gayundin, nagbabala sa publiko si Poso, na huwag maniwala sa mga ipinadadalang text ng mga hindi kilalang tao particular na iyong nagkukunwaring kamag-anak at nagsasabing nagpalit na ng numero, hangga’t hindi personal na tinatawagan upang hindi mabiktima ng sindikato.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nabanggit na scam.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply