Misis kinatay ni mister, umawat kritikal

PATAY ang isang misis nang pagsasaksakin ng asawa habang kritikal ang kalugar na umawat sa kanila sa Malabon City kagabi (Mayo 6).

Hindi na umabot nang buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Roselyn Barnido, 38 ng Phase 3, Longos ng lungsod.

Inoobserbahan naman sa nasabing ospital sanhi ng saksak sa braso at likod si Edgardo Garcia, 39 at kalugar ng mag-asawa.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Vicente Barnido, 50 ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong alas-8:30 kagabi, naglalakad si Garcia sa nabanggit na lugar nang makita si Vicente na pinagsasasaksak si Roselyn.

Inawat ni Garcia si Vicente dahilan para pagbalingan ang pagsasaksakin din.

Pagkatapos ng insidente ay agad na tumakas ang suspek.

Agad namang dinala ang mga biktima sa JRMMC habang inaalam na kung ano ang ikinagalit ni Vicente sa asawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply