Misis na utangera, inutas ni mister sa Davao

ISANG mister ang nahaharap ngayon sa kasong parricide sa Davao City matapos mapatay sa saksak ang kanyang misis dahil sa mahilig nitong mangutang sa ulat ng pulisya ngayong araw.

Base sa report, naganap ang pamamaslang ng suspek sa kanyang misis kagabi sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay 19-B, Davao City.

Kinilala ang biktima na si Lynlibeth dela Cruz, habang agad ding nadakip ang kanyang mister na si Ricardo makaraang kuyugin ng kanilang mga kapitbahay.

Sa inisyal na pagsisiyasat, lasing ang suspek nang mangyari ang krimen at nagsimula ang karahasan sa kanilang pagtatalo hinggil sa labis na pangungutang ng biktima na ikinagalit ng kanyang mister.

Subalit sa salayasay ng ilang kapitbahay, lumalabas na madalas saktan ng lalaki ang kanyang asawa sa tuwinang nakakainom ito.

Napag-alaman namang minsan na ring naireklamo ang suspek dahil sa pambubugbog sa kanyang misis kapag lasing.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply