Misis ng hukom, 1 pa kinatay sa Iloilo

KAPWA wala ng buhay nang matagpuan ang maybahay ng isang hukom at ang kasama nitong babae na hinalang ginasa pa ng mga hindi nakilalang kalalakihan sa Ilolilo kaninang umaga.

Bukod sa tinamong mahigit sa walong saksak sa iba’t ibang parte ng katawan, hinataw din ng isang matigas na bagay sa ulo ang biktimang si Sonia Amular, 65-anyos, misis ni Regional Trial Court (RTC) Judge Daniel Antonio Gerardo Amular na nakabase sa Mambusao, Capiz.

Habang mahigit naman sa 20 ang tinamong saksak ng isa pang biktima na si Rubylin Deloso, 17-anyos kapwa residente ng Barangay Ilaya, Barotac, Nuevo, Iloilo.

Blangko pa ang Iloilo City Police Office (ICPO), sa kung sino ang nagkasa ng krimen pero isinantabi agad ang motibong pagnanakaw sa krimen dahil walang nawawalang gamit ang mga biktima.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, natuklasan ang insidente dakong alas-7:00 ng umaga sa loob ng pension house na pag-aari ng biktima sa Barangay Ilaya, Barotac, Nuevo.

Ayon sa isang Milo Guanzon, isa sa karpinterong nagtatrabaho sa pension house ng biktima, dakong alas-7:00 kaninang umaga nang pumasok sila sa bahay ay unang nakita ang bangkay ni Deloso sa loob ng comfort room.

Paniwala rin ng pulisya na bago pinagsasasaksak ang dalagita ay ginahasa pa dahil natagpuan itong walang saplot sa katawan.

Natagpuan naman ni Guanzon ang bangkay ni Amular sa garden.

Sinabi naman ni Judge Amular, na wala siyang natatanggap na banta sa buhay na maaaring maging motibo sa pagpaslang sa kanyang asawa at sa kasama nitong menor de edad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply