Misis ni Pimentel hindi ko karelasyon – Golez

ITINANGGI ni Iloilo Rep. Anthony Golez na siya ang dahilan ng hiwalayan ng mag-asawang senador Aquilino “Koko” Pimentel III at misis nito na si Jewel May Lobaton.

Iginiit ni Golez na aminado siyang may mga proyektong magkatuwang nilang isinusulong ni Lobaton sa Bacolod subalit hanggang proyekto lamang ang kanilang relasyon.

“I categorically deny having anything to do with the break up of their relationship.”

Pakiusap na lamang ni Golez ay igalang ang privacy nang mag-asawa lalo ngayong dumadaan sila sa matinding pagsubok ng buhay may-asawa.

“Let’s respect the privacy of the two who are undergoing a difficult time. Let’s pray for them,” banggit pa ni Golez sa kanyang text message.

Lumutang ang diumano’y pagkakaroon ng relasyon nina Golez at Lobaton nang makita ang dalawa sa Mascara festival sa Bacolod na magkapareho ang suot na t-shirt at pantalon.

Ngayong araw din ay kinumpirma na ni Koko na siya at ang kanyang misis sa loob ng 12 taon ay hiwalay na.

Ayon sa senador, naghiwalay silang mag-asawa noon pang November 2011.

Si Lobaton ay ang dating Binibining Pilipinas titleholder na kumatawan din sa bansa sa Miss Universe pageant noong 1998.

“This may well be the most difficult public pronouncement I will ever be making in my entire life. And painful too, as every separation involves a certain degree of pain,” ayon naman sa pahayag ni Koko bagama’t tinangka aniya nila na ayusin ang kanilang pagsasama para sa kapakanan ng dalawang anak.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply