Misis pinatay sa palo, mister nagpakalunod

UMINOM muna ng Zonrox bago nagtungo sa dagat at nagpakalunod ang 46-an-yos na mangingisda matapos mapatay ang kanyang misis sa gitna ng kanilang pagtatalo sa Baseco Compound Port Area, Manila, kamakailan.

Ayon sa mga kaanak ng suspek na si Elpidio Cayetano, alyas “Pido,” posibleng nakonsensya ito kaya ipinasyang magpatiwakal sa dagat matapos mapatay ang misis na si Carmelita Cayetano y Tabin, vendor, dakong ala-1:30 ng hapon sa gitna ng kanilang mainitang pagtatalo na hinihinalang dahil sa pagseselos ng una.

Diumano, hinambalos ng suspek ang asawa sa loob ng banyo saka ito iniwan nang makitang hindi na humihinga. Nilaklak pa umano ng suspek ang 1 bote ng Zonrox na nasa banyo saka ito nagtungo sa dagat at lumusong. Hindi na umano natagpuan ang suspek mula noon kaya naniniwala ang pamilya nito na nagpati-wakal ito.

Kaugnay nito, patuloy ang imbestigasyon ng MPD-Crime Against Person Investigation Unit upang matiyak na nagpakamatay ang suspek.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply