Misis tigok sa tarak ng mister

PATAY ang isang misis makaraang saksakin ng kanyang mister sa Barangay 19-B, Davao City kagabi, Mayo 22.

Nakilala ang misis na nasawi na si Lynlibeth dela Cruz at naaresto naman ang kanyang mister na si Ricardo na kinuyog ng mga residente.

Nakainom umano ang suspek nang paslangin nito ang kanyang misis na sinasabing galit na galit dahil sa labis na pangungutang ng biktima.

Napag-alaman namang minsan na ring naireklamo ang suspek dahil sa umano’y pambubugbog sa kanyang misis tuwing ito’y nakakainom.

Nahaharap si Dela Cruz sa kasong parricide.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply