Misis utas sa birthday gift na umbag ni mister

PATAY ang isang misis nang pag-uumbagin ng kanyang mister sa mismong kaarawan nito matapos sitahin ng una sa pag-iinom ng alak kahapon sa Tondo, Manila.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima na si Mercedes dela Rosa, 54, ng 5-C Venus St. Herbosa Ext., Tondo pero idineklara ring dead-on-arrival.

Samantala, bugbog sarado din sa mga tambay sa lugar  ang suspek na si Eric John Paglinawan, 40, truck driver ng Mazen Tansport.

Sa ulat, 5:30 ng hapon kahapon nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa sa nasabing lugar.

Dahil kaarawan ng suspek ay nagyaya ito ng inuman sa kanyang mga kabarkada at kapitbahay.

Habang nasa kasagsagan ng lasingan, sinabihan umano ng biktima ang mister na huwag masyadong uminom dahil sa lagay ng kanyang kalusugan na ikinagalit naman ni Paglinawan.

Dahil dito, kinompronta ng suspek si dela Rosa hanggang sa mauwi sa bugbiugan ang mapatay ang kanyang misis.

Nang tangkang tumakas ng suspek ay nilamog siya ng mga tambay sa lugar dahilan para malagay sa malubhang kalagayan, ginagamot ngayon sa ospital.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply