Mister naglason dahil sa tsismis sa Parañaque

PAGPAPAKAMATAY sa pamamagitan ng pag-inom ng insecticide ang naisip na solusyon ng 44-anyos na mister nang mabalitaan ang pagtataksil ng kanyang asawa habang nagtatrabaho sa isang bukirin sa Pampanga kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Dead on arrival sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Roger Melgar, residente ng Cluster 8 Gawad Kalinga Maralit Annex 38 Malacanang Dulo, Barangay Don Bosco sanhi ng pagkalason sa ininom na insecticide.

Batay sa imbestigasyon nina SPO1 Reynaldo Serafica at PO2 Arthur Encallado, Jr. ng Parañaque Police Investigation Division, dumating sa kanilang bahay ang biktima dakong alas-10:00 ng gabi buhat sa pagtatrabaho bilang tagabantay ng isang bukirin at kaagad na kinompronta ang asawa hinggil sa nabalitaang pagtataksil habang siya’y nasa Pampanga.

Itinanggi umano ng ginang ang akusasyon hanggang sa humantong sila sa komprontasyon at sakalin ng biktima ang misis na agad namang naawat ng kanilang kaanak.

Dahil dito’y nag-alsa balutan ang ginang at nilayasan ang kanyang pamilya na naging dahilan upang magkulong sa silid ang kanyang mister at nilaklak ang isang botelya
ng insecticide.

Natuklasan lamang ang pag-inom ng lason ng biktima nang mabasag ang botelya ng insecticide kaya pumasok sa silid ang kanyang 19-anyos na anak at nakitang bumubula na ang bibig ng ama.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply