Miyembro pa ng Dominguez carnapping syndicate tiklo

NAHULI na ng pinagsanib na Highway Patrol Group at Caloocan at Valenzuela police ang isa pang suspek na may kasong carnapping at frustrated murder, miyembro rin ng Dominuguez carnapping syndicate.

Kinilala ang suspek na si Fortunato “Fortune” de Jesus huling bumiktima sa car agent na si Emma Carpio.

Sa reklamo ni Carpio, nakipag-deal siya sa suspek pero tinangka siya nitong patayin sa pamamagitan ng pananaksak sa kanyang leeg.

Tinangay din ng suspek ang sasakyan ng biktima.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply