MMDA nagpalabas ng traffic advisory para sa concert ni Lady Gaga

DAHIL sa inaasahang pagdagsa ng napakaraming tao na manonood sa concert ni Lady Gaga, naglabas ng abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hinggil sa inaasahang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa paligid ng SM Mall of Asia sa Pasay city mula Lunes hanggang Martes.

Ayon kay MMDA Traffic Engineering Center Director Noemi Recio, nakikipag-ugnayan na sila sa lokal na pamahalaang lungsod ng Pasay at sa pamunuan ng MOA kaugnay sa tamang pamamahala sa daloy ng mga sasakyan sa loob ng dalawang araw na konsiyerto ng bantog na pop diva na si Stefani Joanne Angelina Germanotta na kilala bilang Lady Gaga.

Tiniyak naman ni Recio na magtatalaga sila ng sapat na traffic enforcers na mamamahala sa trapiko, bukod pa rito ang mga itatalaga ng lokal na pamahalaan at mga tauhan ng lokal na pulisya ng Pasay.

Magugunita na una ng tinangkang hadlangan ng iba’t-ibang religious group ang nakatakdang konsiyerto ng bantog na mang-aawit sa paniwalang nakakasira sa moral ng mga kabataang Kristiyano ang mga pinakakahulugan ng kanyang awitin, bukod pa sa malalaswang kasuotan na hindi nawawasto upang maging ehemplo sa kabataang tumitingala sa kanyang kahusayan.

Sa kabila nito, tiniyak ng producer ng naturang konsiyerto na iiwasan ni Lady Gaga ang pag-awit ng musikang hindi nagugustuhan ng kanyang mga kritiko upang hindi sumiklab ang galit ng mga nagpo-protesta.

Bumuo rin ng isang team si Pasay City Mayor Antonino Calixto na magmo-monitor sa naturang concert upang matiyak na tatalima ito sa mga panuntunan at alituntuning nakasaad sa permisong ipinagkaloob sa kanila. (JAY Reyes)

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply