MMDA posibleng magpatupad muli ng truck ban

PINAPLANO na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang posibleng pagpapalit, pag-modify o kung i-extend ang truck ban sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, tututukan nila sa Metro Manila Council Meeting ang truck ban matapos maging matagumpay ang ipinatupad na truck ban noong Governors Meeting ng Asian Development
Bank.

Bastay sa plano, nakasaad sa truck ban ang pagbabawal sa mga truck na magkarga ng apat na libong kilo ang truck na dadaan sa mga pangunahing kalsada ng Maynila mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-9:00 ng gabi maliban na lamang kung araw ng linggo at pista opisyal.

Ang pagbabalik ng truck ban ay upang maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa pangunahing lansangan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply