Mo Twister idedemanda ni Charice!

MAY bago na namang biktima si Mo Twister. This Time, si Charice ang pinagtripan niya at may kasama pa siyang kapwa niya DJs sa FM radio Magic 89.9.

Heto nga’t suspendido si Mo at ang dalawang tsiks na kasama niya sa programang “GoodTimes” na sina Tina Gamboa at Mia Bayuga for 2 weeks without pay epektibo today. Ang rason ng kanilang pagkaka-suspend ay nang maglagay sila ng Twitter hashtag na #charicepempengcosextape bilang parte ng kanilang morning show na “GoodTimes.” Dahil sikat si Charice kaya naging top local trending topic agad sa Twitter ang naturang hashtag.

Agad namang humingi ng paumanhin ang pamunuan ng nasabing istasyon sa magaling na singer at mabilis pa sa alas-kwatrong pinatalsik nila ang tatlo sa radyo sa loob ng dalawang linggo.

Naghihinanakit naman si Charice kay Mo dahil akala niya ay mabuting tao ito. Nung interbyuhin daw siya nito ay ang bait nito sa kanya.

典oo bad. Remember, you interviewed me? I thought you were nice. Anyway, I should talk to you face to face,” sabi ni Charice sa kanyang Twitter account.

Nagbanta ang huli sa matabil na DJ na sana raw ay may magaling itong lawyer. Ibig sabihin, may plano ang international singer na idemanda ang ex-bf ni Rhian Ramos.

Pormal na magpapalabas ng public apology ang Magic 89.9 kay Charice ngayong araw sa naturang radio.

***

John Lloyd itinanggi ni Sarah

KAMUNTIK nang maging magsyota sina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz. Hindi lamang ito natuloy dahil sobrang higpit noon ni Mommy Divine. Pero talagang na-inlove raw noon ang Pop Princess sa magaling na aktor.

Ngayong may Gerald Anderson na si Sarah, no comment na siya sa pagiging loveless daw ngayon ni John Lloyd Cruz. Wala na siyang pakialam sa binata.

Nilinaw naman ni Sarah G. na si Rayver Cruz pa lang ang naging boyfriend niya. Ito bale ang kasagutan ng dalaga sa mga pasaring na naman sa kanya ni Cristine Reyes na kesyo marami nang lalaking nagdaan sa buhay n’ya.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maaari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan.

Mabalos!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply