Mo Twister umaming dupang sa popularidad!

INAMIN ni Mo Twister na dahil sa kadupangan niya sa popularidad at sa kagustuhang mag-trending sa Twitter ang kanilang programang GoodTimes sa Magic 89.9 ay naisipan niyang (kasama ang co-disk jockey na sina Tin Gamboa at Mia Bayuga) gawin ang Twitter hashtag na #charicepempengcosextape sa naturang microblogging site bilang biro habang sumasahimpapawid ang kanilang show nung Miyerkules ng umaga. Ang nasabing hashtag ay nagbigay ng impresyon kay Charice na isa siyang masamang babae at mayroon siyang sex scandal na ginawa.

Narito ang mahabang paliwanag ni Mo sa ginawang kabulastugan:

“We were trying to be competitive with other radio shows. The focus of our mind was let’s trend, like let’s beat them because it’s competition… that was on our mind… It’s so stupid because in our ‘greediness’ to be popular on Twitter we forgot… who’s gonna get hurt. After the all we high-five each other and ‘yeah men, we trend it’ and we go ‘oh my God, it’s so stupid.’

“So we apologize a million times, to your fans… the people behind her career at all aspects, Philippines, abroad. Everyone abroad, who listens to our show because she’s international star, again a million, million apology for that.”

“I called up Charice and said, ‘Hey listen, I’ll tell you right now we’re gonna be suspended and we should be suspended. But if you want to lengthen the suspension just tell me and I’ll forward that to the management… and her representative was ‘well, she’s not the type of person who will do something like that.’ I said, ‘Please just say that you want us off aired, that’s the conviction I had, how bad I felt I was like that I felt horrible… you can say any amount of suspension and I’ll follow it.’ …She was like ‘no, no. If they’re gonna suspend you for two weeks, that’s what it is and I’m not gonna add any, (she’s) not that type of person.’ And I was like ‘oh my God, now I feel hundred times worse for doing it.”

“Why it was Charice? Remember the point of the whole thing was we have to come up with something so outrageous that it can never be true and that’s why ‘charicepempengcosextape’ because we all know there’s no way in hell that would happen to her. I mean that would happen to me a hundred thousand times more before they even video her kissing someone. I mean this is so out there and impossible that’s we taught was the funny part of it. We weren’t insinuating ever that’s there was one.”

***

T3 22 days suspendido

UMABOT sa 22 days ang suspensyon ng programang T3, Kapatid Sagot Kita! sa TV5. Bunga ito nang ibinabang hatol ng MTRCB na 20 days suspension plus ang dalawang araw naman na ibinigay ng pamunuan ng Kapatid network.

Nag-ugat ang nasabing parusa sa mga pagbabanta umanong sinabi ng tatlong hosts na sina Raffy, Ben at Erwin Tulfo laban sa mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Habang sinusulat ito, wala pang reaksyon na ibinibigay ang Tulfo brothers dahil nasa bakasyon umano sila. Gayunman, parang hindi rin nawala ang magkakapatid sa nasabing programa dahil ang panganay nilang kapatid na si Mon Tulfo ang isa sa humalili sa kanila kasama si Martin Andanar at isang abogado pansamantala.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maaari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan.

Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply