Modernisasyon ng PCG minamadali ng gobyerno

PINAMAMADALI na ng gobyerno ang modernisasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa patuloy na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa Scarborough Shoal.

Ayon kay PCG Commandant Rear Admiral Edmund Tan, nakikita ngayon ng pamahalaan at Department of Transportation and Communications (DOTC) ang kahalagahan na madaliin ang modernisasyon ng PCG>

Ang pagbili ng dalawang rescue helicopter at karagdagang search and rescue vessels ay kabilang sa modernization program ng PCG.

Ang mga ito ay hindi lamang magagamit sa pagpapatrulya sa exclusive economic zones ng bansa kundi magagamit din tuwing may kalamidad.

Nabatid na pagkakalooban din ang PCG ng pondong P1.6 bilyon mula sa special account ng Department of Energy (DOE) sa Malampaya Gas para makabili ng makabagong kagamitan bukod pa sa P3 bilyon budget na una nang inihayag ng DOTC.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply