Modus ng mga kawatan sa Aduana, nabuking na

TANG…naman uhmmmp!

Ano ba itong “matuwid na daan” ni Pangulong Noynoy Aquino na pilit na binabaluktot ng ilang tiwaling opisyal ng Bureau of Customs (BOC)?

Parang ang nangyayari,  tila sadyang hinahamon ng mga tarantadong tiwali sa ahensya ang bagong pamunuan ng BOC!

Infairness  sa pamunuan ng BOC na maayos na ginagampanan ng mga ito ang kanilang trabaho, hinahabol nila ang mga mandarambong na importer at broker. Pero hindi lang pala ang mga ito ang mga nagaganap na katarantaduhan sa Aduana kundi marami ang nabuking na mga kalokohan sa bakuran ng BOC na kagagawan ng ilan sa mga taga-BOC na walang iniisip kundi ang  mga pansariling bulsa.

Puro pangungurakot ang mga ginagawa sa ahensiya at pati lahat tuloy ng mga taga-BOC ay nadaramay sa mga kawalanghiyaan ng mga ito. Gaya na lamang itong reklamo ng importers/brokers.

Kanilang ibinuking ang modus o raket nitong isang alyas “Tere” na walang ibang iniisip kundi punuin ang kanyang bulsa ng pera. Ang kapal ng muks.

Ang modus operandi ni alyas “Tere” paggamit sa opisina ni Jojo Karingal para kumita sa panloloko sa importers/brokers.

Nakikipagsabwatan si alyas “Tere” sa isang agent-agent(kuno) ng NBI na nakilala lang sa alyas“Mapagpa-tawaran” na kapag may mga paparating na kargamento mula sa ibang bansa ay kanila itong haharangin na kunwari ay may alarma. Iho-hold ang mga kargamento hanggang sa iipitin ang mga ito. Ano pa ba ang magagawa ng importers o brokers sa kargamento? Alangang hayaan lang nila ito.

E, ‘di ano pa ba ang gagawin nila kundi ang “sumuka” ng malaking halaga. Para naman kanino ang isinuka? Palalabasin ng dalawa na para raw sa NBI pero sa bulsa lang nilang dalawa ito napupunta.

Hehehehe.

Anoman ang reklamo,  mangyaring i-text lang sa 09189274764, 0926671-9269 o i-email  sa juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply