Motibasyon sa ARMM

NAKABATAY sa tatlong kondisyon kung paano makakamit ang kakayahang magtrabaho nang husto sa loob ng isang organisasyon gaya ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, ayon sa mga eksperto.

Ito ay ang mga sumusunod na dapat makamit: Ang kapasidad na magtrabaho, oportunidad na magtrabaho at kagustuhan na magtrabaho.

Una, ang kapasidad na magtrabaho ay nangangahulugan na nauukol ito sa antas ng karunungan, abilidad, at kasanayan na nababagay sa trabaho na kanyang ginagawa. Kung gusto natin na mas mataas na antas ng trabaho sa mga manggagawa, kinakailangan ng wastong pagsasanay at kakayahang pisikal para tugunan ang mga gawain na iniatang sa mga manggagawa.

Sa loob ng ARMM, isinailalim ang mga itinalagang manggagawa ni OIC Regional Governor sa masinsinang pagsusuri para magkaroon ng balanseng talino at trabahao ang bawat ahensya. ‘Ika nga niya, dapat walang underemployment!

Pangalawa, ang oportunidad na magtrabaho ay nakasalalay sa “work environment” na ibinibigay ng mga namamahala sa paggawa sa kani-kanilang mga empleyado. Ang isang nag-oopisina na nagtatrabaho sa isang mainit at maingay na lugar ay natural lamang na hindi kakitaan ng magandang resulta sa kanyang trabaho.

Ang oportunidad ding ito na makapagtrabaho ay nababawasan sanhi ng kakulangan ng mga gamit, kakulangan sa pondo at maging ang kakulangan nito sa kapangyarihan.

Ayon kay RG Hataman, sa loob ng kanyang maikling pag-upo ay sinimulan niyang ayusin ang loob ng mga opisina sa ORG (Office of the Regional Governor) bilang tugon sa pangangailangan na dapat ay maganda at maayos na kapaligiran.

Tipong five-star hotel sana ang maging hitsura ng mga opisina para magtagal pa sa loob ng kani-kanilang cubicles ang mga empleyado at hindi yung nag-uunahan sa pag-uwi pagdating ng alas-5 ng hapon, diin ni RG Hataman.

Pangatlo, ang kagustuhan na magtrabaho ay nauukol sa antas ng kagustuhan ng isang empleyado at pagsisikap nitong maabot ang takdang oras sa pagtalima sa mga gawain na iniatang sa kanya.

Hindi biro ang tapusin sa wastong oras ang anomang gawain kung walang kagustuhan ang isang empleyado na gawin ito.

Pero si Hataman, pinili niyang mga hardworker ang ilagay sa mga pwesto, gaya ng datihang NGO/CSO volunteers, dahil sa kasanayan ng mga ito na magtrabaho na hindi nililimita sa 8-5 na oras sa paggawa.

Sa mga ipinasok nyang kawani ng ARMM, ni isa ay walang humihingi ng overtime pay gaya ng nakasaad sa batas dahil sa sanay na silang magbuhos ng oras at panahon sa mga gawain para sa bayan.

Ang tatlong nabanggit na mga kondisyon ay nangangahulugan ng mga napapanahon na dapat isaisip lagi sa pagtugon sa mga gawain sa ARMM.

=OOO=

GAYA ng dati, patuloy sa pamamayagpag ang Koko scheme sa Lanao del Sur pero marami na rin ang nangangamba roon sa mga taong naglaan ng kanilang milyones na pera dahil sa diumano ay posibleng pagbagsak nito. Sa nalalapit na Oktubre 2012 kung saan ay magpa-file ng kandidatura ang mga gustong lumahok sa eleksyon sa 2013, kukunin na diumano ng mga tao ang kanilang inilagak sa Koko scheme para gamitin sa pangangampanya sa eleksyon.

At dito na magsisimulang makaramdam ng paghihigpit ng sinturon ang nagmementine ng nasabing Koko scheme. Huwag na sanang hintayin ng mga awtoridad na maging sanhi ito ng kaguluhan sa Lanao del Sur bago sila umaksyon at mapabayaan ang sitwasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply