Motor banca sa Cebu nagkaaberya

INIIMBESTIGAHAN pa ng Philippine Coast Guard (PCG)-Cebu ang sanhi ng aberya sa motor banca na tumirik sa karagatan ng Danao City, Cebu.

Nabatid na sakay ng M/BCA ang 22 pasahero at apat na crew na patungo sana sa nasabing lalawigan na pagmamay-ari ng isang Ben Sun, 69.

Lumalabas na bigla na lamang tumirik ang motor banca sa gitna ng karagatan ng Danao nang masira ang makina nito.

Ayon kay PCG-Cebu Station Commander Rolando Lizor Punzalan, ang security-in-charge ng Port of Cebu na si Roseben Jerez  ang tumawag sa kanilang tanggapan upang i-report ang pangyayari.

Ligtas naman ang mga pasahero ng bangka.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply