Motorsiklo inararo ng bus

NUEVA ECIJA – Isa ang patay at isa ang sugatan nang araruhin ng isang pampasaherong bus ang kasalubong na motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Maestrang Kikay, bayan ng Talavera kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Jeffrey Angala y Perez, 19-anyos, isang incoming third year college student at residente ng Barangay Maestrang Kikay. Ginagamot naman sa isang pagamutan sa lungsod ng Cabanatuan ang sugatang si Jonjon dela Cruz y de Guzman, 16, ng nasabi ring lugar.

Samantala, sumuko sa pulisya ang driver ng nakabanggang Dagupan Bus (DWA-307) na si Jay Chris Bacani y Sibal, 29, Barangay Caniogan, Sto. Tomas, Isabela.

Nabatid sa imbestigasyon na dakong ala-1:45 ng madaling araw, pauwi na ang dalawang biktima na hinihinalang nakainom ng alak sakay ng isang Honda Wave motorcycle na walang plaka nang maganap ang insidente.

Nabatid na patungo umano ang motorsiklo sa north direction habang south direction o paluwas ng Maynila naman ang bus. Galing umano sa shoulder ng highway ang motorsiklo at pagtuntong nito sa linya ng highway ay hindi umano nito napansin ang mabilis na tumatakbong bus.

Dahil dito, nakaladkad ang motorsiklo at tumilapon sa highway ang mga biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply