Motorsiklo sumemplang, parak tepok

NAMATAY ang isang pulis makaraang sumemplang ang sinasakyang motorsiklo sa kahabaan ng C5, Libis, Quezon City kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktima na si PO2 Joel Projemo, 29, na naisugod pa sa Quirino Memorial Medical Center ngunit binawian din ng buhay.

Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang biktima na siyang ikinasawi nito.

Ayon sa imbestigasyon, binabaybay ng biktima ang Northbound ng C5 nang biglang sumemplang ang motorsiklo nito.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply