20-day suspension sa ‘T3’ binawi na ng MTRCB

BINAWI na ngayon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang ipinataw nitong 20-day suspension laban sa programa ng magkakapatid na Raffy, Ben at Erwin Tulfo na “T3 Kapatid Sagot Kita” ng TV5.

Nitong Mayo 10, 2012, ipinataw ng MTRCN ang 20 araw na suspensyon nasabing programa ng Tulfo brothers kaugnay sa ginawa nilang pagbabanta sa mag-asawang Claudine at Raymart Santiago, matapos mabugbog ang kuya nilang si Mon Tulfo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Dahil sa bugso ng galit inihayag ng tatlo magkakapatid na lintik lamang ang walang ganti.

Napag-alaman na pumayag ang MTRCB sa hiling ng Kapatid Netwok na bawiin ang naturang suspensyon habang nagpapatuloy ang mga pagdinig sa kaso at pangakong hindi na mauulit ang pagbabanta ng mga nakababatang kapatid ni Mon.

Kung maaalala, lumabag sa Presidential Decree 1986 “for airing scenes and utterances that are indecent and contrary to law, or with a dangerous tendency to encourage the commission of violence, or of a wrong or crime” ang Tulfo brothers.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply