MTRCB kinondena ng NPC sa suspensyon ng ‘T3’

KINONDENA ni National Press Club President Benny Antiporda ang ipinataw na 20-day preventive suspension ng Movie and Television Ratings and Classification Board (MTRCB) sa programang “T3” ng Tulfo brothers sa TV5.

Sa interview ng Remate Online, sinabi ni Antiporda na tanging “naaawang reaksyon” lamang ang ginawa ng magkakapatid na Ben, Raffy at Erwin nang makita nilang binubugbog ang kanilang 65-taong gulang na kuya na si Ramon, na hindi lamang napanood ng milyon-milyon sa YouTube kundi sa marami pang networks.

“The 20-day preventive suspension on the T3 program of Tulfo brothers was too harsh since their emotion is not a habitual act, it is just an act of emotions for a brother who was hurt,” ayon kay Antiporda.

Tinukoy pa ni Antiporda ang isang insidente sa Department of Justice (DOJ) na kung saan nagalit ang ilang opisyal at miyembro ng NPC kay Andal Ampatuan jr., nang dalhin ito sa ahensya para sa arraignment hinggil sa Maguindanao Massacre.

“The NPC did not tolerate their emotions, and immediately there were reprimanded for their actions, given them warning that such act will not be accepted by the Club,” paliwanag ni Antiporda.

Idinagdag pa ni Antiporda na nanatiling tahimik ang NPC sa bagay na ito habang iniimbestigahan ng MTRCB ang pananalita ng magkakapatid na Tulfo sa T3 kamakailan bilang paggalang sa isinasagawang imbestigasyon ng ahensya.

“Masyadong mabigat ang parusa, madaling magpataw ng parusa, pero mahirap kalabanin ang damdamin ng isang kapatid na nakita nilang binubugbog ang kanilang nakatatandang kapatid sa harap ng milyong taong nakapanood sa insidente hindi lamang sa YouTube, kundi sa maraming networks,” giit ni Antiporda.

“The punishment is too harsh,” patapos niya.

Idinulog ngayon ng TV5 sa Court of Appeals (CA) ang 20-days preventive suspension na ipinataw ng MTRCB sa T3, isang news and public affairs program ng TV5, sa pagsasabing iligal at labag sa Saligang Batas ang kautusan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply