MTRCB, Tulfo brothers magtutuos bukas

BUKAS na maghaharap ang Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) para dinggin ang reklamo laban sa TV program na “T3” ng magkapatid na Raffy, Ben at Erwin Tulfo.

Ani MTRCB chairperson Grace Poe-Llamanzares, aalalim ng legal board kung may paglabag sa ethical standards ang pagbabanta ng magkakapatid sa mag-asawang Raymart at Claudine Santiago, kasabay ng pagkumpirma na hindi lamang ito ang kauna-unahang kaso ng mga Tulfo sa MTRCB.

Ayon kay Llamanzares, minsan nang napatawan ng suspensyon ang programa ng isa sa mga ito.

Bagama’t importante ang pagharap ng makakapatid sa hearing, wala rin aniyang problema kung magpapadala na lang ng kinatawan ang network na pinagtatrabahuan ng tatlo.

Kanina ay sinuspinde na ng TV5 ang magkakapatid na magtatagal hanggang sa Biyernes.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply