Muling pagharap ni Corona wa-epek na– Sotto

MARIING ipinahayag ni Senate Majority Floorleader Vicente Sotto III na wala nang epekto ang pagharap muli ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa impeachment court.

Ito ang binigyang diin ni Senator Vicente Sotto III dahil matigas ang desisyon ng mga senator judges na tapusin ang nasabing paglilitis sa Mayo 29, araw ng Martes.

Sinabi ni Sotto na matigas ang desisyon ng Senado na tapusin na sa susunod na linggo ang impeachment trial matapos na wala aniyang tumutol dito sa isinagawa nilang caucus.

Nilinaw naman ni Senate President Pro-tempore Jinggoy Estrada ang kanyang naging pahayag kaugnay sa desisyon sa kaso ni Corona.

Ayon kay Estrada, tiyak na may nabubuo nang desisyon ang ilang senador kung iko-convict o ia-acquit ang punong mahistrado kasunod na rin ng halos limang buwang takbo nang paglilitis.

Sinabi pa ni Estrada na nais niyang marinig pa ang mga bibitiwang salita ni Corona bago tuluyang hatulan ng kaso nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply