Multa sa kasong libelo pinatataasan

AABOT na sa P480,000 ang multa ng sinumang masusumpungan guilty sa reklamong libelo.

Ito ay kung makakalusot sa Kamara ang House Bill 5835 na inihain ni Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco.

Bukod sa parusang prision correccional ay patataasin pa ang multa mula sa P16,000 hanggang P480,000 para sa nasabing kaso.

Nakapaloob sa naturang panukala na magiging sakop ng libelo ang writing, printing, lithography, engraving, radio, phonograph, painting, theatrical exhibition at cinematographic exhibition.

Binanggit pa ni Velasco na panahon na upang amyendahan ang Article 355 ng Revised Penal Code dahil ang bahagi ng multa ay base pa sa presyo noong 1930.

Sa panahon ngayon ay hindi na aniya angkop ang multa at ang parusa ay nananatiling hindi nagbabago buhat ng isabatas ang RPC 3815 noong Disyembre 8, 1930.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply