Mural painting ng DENR umarangkada na

NAGSIMULA na ngayon ang Mural Painting Project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa Quezon City.

Sa report, pingangunahan ni Environment Secretary Ramon Paje ang mahigit sa 700 mural artists na nagparehistro.

Nakilahok ang nasabing mga mural artists sa pagpipintura ng pader sa palibot ng Wildlife Park.

Iginuhit ng mga artist ang mga larawan ng dagat, balyena, pagong at iba pang mga hayop-dagat bilang pakikiisa sa paggunita ng Ocean Month ngayong Mayo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply