Na-lost man kay Phillip sa American Idol, Jessica mas magiging star!

LIVE naming napanood sa channel 9 ang finals ng American Idol na inaabangan ng hundred of millions of viewers worldwide. At sa 132,000,000 votes ay si Phillip Phillips ang tinanghal na bagong American Idol. Well, bago?

Kahit kailan ay hindi talaga nawawala ang racial descrimination sa AI. Hindi talaga nila pinahihintulutang manalo ang half Filipina, half Mexican. Well, kung dadaanin sa talent ay lampasung-lampaso ng ating pambatong Pinay itong si Phillip. Natulala nga ang lahat ng nasa audience at binigyan pa ng standing ovation si Jessica sa super birit nilang production number ng original na kumanta ng global classic hit na And I Am Telling You, I’m Not Going na si Jennifer Holliday na kilala ring Broadway actress.

Aba’y hindi nito kinabog ang kababayan nating nakipagsabayan talaga ng biritan sa kanya to the max. And between her and Phillip, hindi man kami isang psychic feel na feel namin nas mas magiging star ang ating kababayan. Kita n’yo naman, even Thalia na isang popular Mexican actress ay number one fan ni Jessica at bongga dahil ang mister nitong American Music Executive na si Tommy Mottola na nagpasikat sa mga tinitingala nating International singers na sina Barbara Streisand, Billy Joel, Bruce Springsteen, Gloria Estefan, Dixie Chicks at ang mga latest discoveries niyang sina Shakira at Beyonce na dating lead singer ng Destiny’s Child.

Si Tommy lang naman ang magpu-produce ng first ever debut album ni Jessica na ire-release internationally at kinumpirma mismo ito ni Thalia sa kanyang Twitter account.

Eh, si Philip Philips, hindi kaya maging another Robin Studdard, David Cook at Kris Allen lang ang magiging kapalaran niya?

Na after ng isang hit song ay biglang naglaho na lang ang popularity ng mga nabanggit na American Idol winners na ito? I feel it gyud!

***

Roy V. Seneres tatalakayin bukas sa ‘Buhay OFW’ ni Marissa del Mar

SA PAGPAPATULOY ng serbisyo publiko ng beteranang broadcaster at civic servant na si Marissa del Mar, ipakikilala n’ya ang mga personalidad at institusyon na nagbibigay inspirasyon sa mga OFW sa episode bukas (May 26) ng Buhay OFW sa Aksyon TV 41. Kapag naririnig o nababasa ang pangalang ‘Seneres,’ hindi maiwasang isipin ang katagang OFW na nakadikit dito.

Sa maraming panahon, ang pamilyang Seneres ay patuloy ang paglilingkod, at pagsusuporta sa mga OFW. Sa katauhan ni Roy Seneres, Jr., ibabahagi n’ya ang mga tungkulin ng OFW Family Circle na unang binuo ng kanyang ama na si former Ambassador Roy V. Seneres.

Sa Trabaho Abroad, Sigurado, tatalakayin ang mga job training sa TESDA. Ang Technical Education and Skills Development Authority ay nag-aalok ng maraming kurso at isa na rito ay ang pananahi. Malaki ang pangangailangan ng mga mananahi sa Middle East at sa mga barko. Sa OFW in Focus, itinatanghal si Cherry Pie Bagamaspad ng Sta Rosa, Laguna na nagtatrabaho bilang Manager sa Carnival Cruise Lines. Kilala ang mga barkong ito sa mga ala-Las Vegas shows nito. Ikukwento ni Cherry Pie ang mga mahahabang pagbyahe n’ya sa buong mundo at ang pakikisalamuha n’ya sa iba’t ibang banyagang nakasakay sa magarbong barko.

Ang Buhay OFW ni Marissa del Mar ay ipinapalabas tuwing Sabado, alas-10 hanggang 11 ng gabi sa Aksyon TV 41. Ang Buhay OFW ay mapapanood sa Aksyon TV International sa UAE, KSA, Italy, Guam, US and UK.

Kung nais ninyong panoorin via online, mag-log on lamang sa www.interaksyon.com/aksyontv. Para sa iba pang detalye mag-log on lamang sa website www.marissadelmar.com para sa iba pang mga inpormasyon tungkol sa mga serbisyong pampubliko ni Marissa Del Mar at ng Millicent Productions.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply