Naaresto ng QCPD pilit na kinukuha ng CIDG (2)

MABUTI na lamang at isa sa mga pulis QC ang nakatakas at dahil ilang metro lang ang layo ng pinangyarihan sa Kampo Karingal ay agad itong nakahingi ng saklolo sa mga kasamahang pulis kung saan ay agad na dumating ang halos buong puwersa ng pulis-QC dahil sa code 1 na alarma.

Biglang nagdatingan ang mga mobile patrol at lahat ng mga operatiba ng QCPD kung saan ay nakita nila ang eksena at dahil nakarating din agad si QCPD Director Gen. Mario dela Vega , kung kaya nabigo ang CIDG sa tangkang “pagsagip” sa wanted na si Ong.

Sa imbestigasyon ay sinasabing noong nakalipas na taon  pa pala lumapit at  humingi ng tulong sa CIDG ang isang nagngangalang Thomas Lim, para maaresto  sina Ong  at Alfuerto, ngunit  sa hindi malamang kadahilanan  ay walang naging aksyon dito ang CIDG.

At bakit nga kaya walang resulta sa inilapit ni Lim, hindi kaya natunton ng CIDG ang kinaroroonan  nina Ong at Alfuerto? Posible ring  natunton ng mga taga CIDG ang  kinaroroonan ng dalawa pero ginawa muna nilang  “gatasan“  ang mga suspek? Nagtatanong lang po, trabaho lang walang personalan.

CIDG Director Samuel Pagdilao, sir, dapat siguro ninyong paimbestigahan ang sinasabing “tangkang pagsagip“ ng inyong mga tauhan sa dalawang wanted sa America at Belgium at paki-imbestigahan na rin kung bakit kasama nila si Alfuerto nang “tangkain“nilang sagipin si Ong.

Si Ong ay nadakip ng CIU  sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Manila Metropolitan Trial Court sa kasong paglabag sa BP 22 (7 counts) na nagkakahalaga ng P5.5 milyon sa reklamo ni Lim.

Sina Ong at Alfuerto ay  kinukonsiderang bigtime criminal  dahil ang dalawa ay kapwa wanted din sa Amerika at Belgium.

Si  Ong  ay nahaharap sa  kasong $80 million panloloko sa Export-Import sa Bank of US at nahaharap naman sa kasong sibil sa Belgium sina Ong at Alfuerto kung saan ang nagreklamo lang naman ay ang  Royal Embassy of  Belgium.

Hmmm, dapat ay matutukan ang kasong ito dahil mga wanted pala sa ibang bansa ang sangkot dito.

Para sa inyong mga comment, reaction at suggestion ay maaari lang pong mag-text sa 09155683000 at 09087230036 o  kaya ay  mag-email sa lily_reyes13@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply