Nabitin sa alak, kelot ginilitan ng kainuman

PINAGSASAKSAK bago ginilitan ng leeg ang isang mag-uuling ng kanyang kainuman dahil sa tagal umano nitong na bumili ng alak sa bayan ng Sual sa lalawigan ng Pangasinan, base sa ulat ng pulisya ngayon.

Sa report ay kinilala ang biktima na si Robert Tugba, residente ng Barangay Camagsingalan sa nasabing bayan.

Target naman ngayon ng manhunt operation ang suspek na si Romy Yanday, tubong Mindoro at napag-alamang isa ring wanted criminal sa nasabing lugar na tumakas matapos ang pamamaslang.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Sual Municipal Police Station nakikipag-inuman ang biktima sa isang birthday party kagabi at nang maubusan sila ng alak ay inutusan ito ng suspek na bumili muna.

Sinasabing natagalan na makabalik ang biktima kaya sinundan ito ni Yanday at nagkaroon sila ng pagtatalo.

Bigla na lamang umanong inundayan ito ng sunod-sunod na saksak sa kanyang katawan bago ginilitan sa leeg na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply